Journalist na si Frank Cimatu, hinatulang guilty sa kasong cyber libel

Journalist na si Frank Cimatu, hinatulang guilty sa kasong cyber libel

HINATULANG guilty ng korte sa Quezon City ang journalist na si Frank Cimatu sa kasong cyber libel.

Kaugnay ito sa kanyang Facebook post ukol kay dating Agriculture Secretary Manny Piñol noong 2017.

Batay sa desisyon ng QC Regional Trial Court Branch 93, hinatulan si Cimatu ng hanggang 5 taon, 5 buwan at 11 araw na pagkakakulong at inatasang bayaran si Piñol ng P300,000 para sa moral damages.

Iginiit ng korte na ang post ni Cimatu ay mapanirang-puri dahil nagpaparatang ito ng isang krimen kung saan pinalilitaw na si Piñol ay gumawa ng corrupt acts sa panahon ng bird flu outbreak at kumita ng P21 milyon sa loob ng 6 na buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter