KINUMPIRMA ng pamilya ng ‘Pilipinas Got Talent’ grand winner na si Jovit Baldivino na pumanaw na ang singer.
Binahagi ng asawa ni Jovit na si Camille Ann Miguel sa isang Facebook post ang nakalulungkot na balita ngayong Biyernes ng umaga Disyembre 9.
Ayon sa ulat, pagputok ng ugat o aneurysm umano ang dahilan ng pagkasawi ng singer.
Una nang naiulat na naka-confine sa intensive care unit si Jovit sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City matapos mag-collapse sa isang event.
Matatandaan na sumikat si Jovit sa isang kompetisyon ng TV reality talent show na ‘Pilipinas Got Talent’ noong 2010 kung saan nakuha niya ang grand winner.
Kabilang sa kanyang mga kantang sumikat ang ‘Pusong Bato,’ ‘Ika’y Mahal Pa Rin,’ at ‘Mula sa Puso’