Jude Garcia at Krung Arbasto, pasok sa quarter finals ng 2021 ASIAN Senior Beach Volleyball championship

Jude Garcia at Krung Arbasto, pasok sa quarter finals ng 2021 ASIAN Senior Beach Volleyball championship

PASOK sa quarter finals ng 2021 ASIAN Senior Beach Volleyball championship sina Jude Garcia at Krung Arbasto.

Nananatiling buhay ang kampanya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2021 Asian Senior Beach Volleyball championships sa Phuket, Thailand.

Ito ay matapos na magawang manalo at umusad sa quarter finals sa mens division nina Jude Garcia at Krung Arbasto.

Tinalo ng Pinoy volleyball player ang katunggaling Qatari player na sina Ahmed Mahmoud at Saifeddin Elmajid sa iskor na 22-20, 18-21, 15-12 sa round of 32.

Makakaharap naman nina Garcia at Arbasto ang Iranian player na sina Bahman Salemi at Abolhassan Khakizadeh sa quarter finals ngayong araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.