NOONG Enero 20, 2022, ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos kay Pastor Apollo C. Quiboloy: “America is burning.” Aniya ito ay isang tanda ng paghuhukom mula sa Diyos.
PASTOR, WHAT CAN YOU SAY ABOUT THE
BURNING FIRE IN LOS ANGELES?
Well, this is something beyond human comprehension because it has something to do with the judgment of God.
You know, noong nilusob tayo noong January 29, 2020 – sinira yung simbahan. Binalya doon. Almost 500 na FBI ang sumugod. At meron pa silang helicopter na sinasabing palabasin ang lahat ng Kingdom of Jesus Christ kundi lulusob sila. Eh, paglapastangan iyon sa banal na dako. Isang araw sila doon, pinagtalian ang mga worker, at lahat ng mga KLC sa buong America, pinasok din.
Ako bilang alagad ng Diyos, Appointed Son, umiyak ako sa Ama. Sapagkat wala naman tayong ginawang ganoong kalubhang kasalanan doon sa America. 28 years akong balik-balik doon, eh walang nangyaring ganyan at walang nangyaring ganyang sakuna sa America. Sapagkat nagdadala ako ng pagpapala. Sabi ng Ama, kahit saan mo ako dalhin, pagpapalain kita. Kahit saan mang lugar pupunta, eh pagpapalain ko ang lugar na iyon.
Eh mula nung 2018 na sinabat kami sa Hawaii, hindi na ako nakabalik doon for 7 years. Nakita ninyo kung anong nangyari sa Maui, nasunog din ano? At pumutok ang bulkan sa Big Island, after noong incident na iyon sa Hawaii.
Ngayon dito sa LA, eh, karma dumating din. Kasi noong January 20, 2022, ipinahayag ng Ama sa akin, America is burning. That’s judgment of God. May karma iyan eh. Do not touch my anointed. Siniraan ako doon sa America.
Kung meron kayong dapat palayasin diyan, ang nagdadala ng karma, ang pamilya na sumira sa utak ng mga Amerikano. Pinoison nila ang utak ng mga Americano, sinira nila ang reputation ng Kingdom – they put the Kingdom in a very bad light. Pagkatapos siniraan, pinaniwalaan naman ng Amerikano without consulting us in the Kingdom – without giving us a chance to explain, kaagad-agad, ginawa akong FBI Most Wanted.
Ngayon, nanalangin ako sa Ama, dumating yung kapahayagan ng Ama sa akin – January 20, 2022 – America is burning. Kaya ito ang kahatulan. Ipinahayag ito sa akin ng Ama. Noong August 13, 2023, ay ibinahagi ko ito sa LIVE Sounds of Worship.
Ito exactly ang nakita ninyo riyan, pulang-pula na iyan. Pulang-pula na sunog na malawakan, yan ang nakita ko sa aking dream revelation. Kaya sabi ko, magbabayad sila. Ito ang kabayaran. Ngayon, umiyak sila. Yung pag-iyak natin, ang kasamaan ng loob natin, ang surprise na ginawa sa akin, ganoon din ang surprise na nangyari sa kanila ngayon – iyan ay kabayaran. May karma eh. Touch not mine anointed – do my prophets no harm.
Kaya itong ginawa rin sa akin dito sa Pilipinas – itong 16-day siege. Darating ang karma din dyan. Kung sino ang namuno din niyan, darating ang karma sa kanila.
lyong pamilyang iyon na luminlang sa inyo, may dalang karma iyon. Kaya kailangan iyon – manlilinlang iyon – nilinlang nila ang mga awtoridad na Amerikano, FBI tapos pinaniwalaan naman sila, siniraan ako sa buong sanlibutan, biglang ginawang masama ang pangalan ko. Ito ang kabayaran. Ito ang mga taong nagdala ng karma, kamatayan, sakit, at pagdurusa sa Amerika dahil sa kanilang pagpapalason sa mga tao doon. Dakpin at ipakulong ang mga sinungaling, mapanira, at manlilinlang na ito upang matigil ang paghatol na ito.
28 years akong balik-balik doon, walang nangyaring ganyan. In fact, we are converting many many there to righteousness. Di nila gusto iyon – pinaniwalaan nila ang kasamaan. Nakikita naman nila ang aking ginagawa doon.
So, iyan, karma iyan. Spiritual iyan ha. Kaya touch not mine anointed, do my prophets no harm.
Ngayon dito, ginulo tayo – siege after siege, June 10, August 24 to Sept 8, tapos kinulong pa ako. Anong karma ang darating sa gumawa nito sa akin?
Tingnan ninyo sa mga susunod na mga araw. Isang kapahayagan lang iyan. Iyan ang hinihintay ko sa Ama.
Sabi niya, Vengeance is mine, I will repay saith the Lord.
lyan, huwag kayong basta-basta husga nang husga. Tapos gagawa kayo ng kabulastugan na hindi tama. Ang masama ginagawa ninyong mabuti, ang mabuti ginagawa ninyong masama. Iyan ang mensahe ko para sa administrasyong ito – at sa administrasyon ng America.
At isang bahagi pa, nanalo si Trump – at ito ang magandang balita, SMNI ininvite sa inauguration ni Trump sa White House. Thank you President Trump.