Judicial system sa bansa, palalakasin ni Atty. Harry Roque

Judicial system sa bansa, palalakasin ni Atty. Harry Roque

ISA sa mga prayoridad ni Atty. Harry Roque ang palakasin ang judicial system sa bansa sakaling mailuklok sa pwesto bilang senador sa darating na halalan sa Mayo.

Naging pahayag ito ni Roque sa isang eksklusibong panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI Exclusive.

Para sa abogado, mayroong mali sa nakasanayang sistema ng hudikatura ng Pilipinas na hindi aniya akma sa dapat na implementasyon nito.

Dahilan ito upang tumatagal ang mga kaso hanggang sa tuluyan na itong nabinbin sa korte.

Sa katunayan, maging si Pastor Apollo ay nagtaka rin kung bakit ganoon na lamang aniya kabagal ang proseso nito sa bansa.

Inihalintulad pa ng abogado ang naging kaso ng Maguindanao massacre na ilang taon pa ang ginugol ng mga biktima para lang makamit ang hustisya para sa mga naging biktima nito.

Kaya naman para kay Roque, hindi katanggap-tanggap na kailangang tumagal pa ang isang kaso kung may paraan naman aniya pabilisin ito sa patas na paraan upang managot ang dapat na managot sa batas.

Bukod sa mga pinabilis na kaso, binalaan rin ni Roque ang posibilidad ng pagbalangkas ng batas na mag-oobliga sa lahat ng husgado sa bansa na magtakda ng araw kung kailan nito tatapusin ang hawak na kaso upang matiyak na wala itong kinikilingang tao.

Samantala, bukod sa usaping ligal, tiniyak din ng abogado na bibigyan nito ng pansin ang implementasyon ng Universal Healthcare Law para tuluyan nang mapakinabangan ng maraming Pilipino ang libreng gamot at pagpapagamot sa bansa.

Kasama rin sa kanyang prayoridad ang pagbalangkas ng polisiya na mapangalagaan ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino at ekonomiya ng marami mula sa mga pagaari ng bansa.

Bagama’t naging maikli lang ang naging paguusap nila ni Pastor Apollo C. Quiboloy, labis pa rin ang pagpapasalamat nito sa butihing Pastor dahil sa muling pagkakataon na maipakilala nito ang kanyang sarili sa publiko kasabay ng kanyang mga programa para sa bansa.

Personal din itong nagpaabot ng kaniyang pagbati kay Pastor Apollo sa kaarawan nito ngayong buwan.

BASAHIN: Mga abogadong nagsasabing hindi gumagana ang justice system sa Pilipinas, dapat mai-disbar – Atty. Harry Roque

Follow SMNI News on Twitter