Judy Ann Santos, proud sa anak na si Lucho matapos sumali sa isang football tournament

Judy Ann Santos, proud sa anak na si Lucho matapos sumali sa isang football tournament

MASAYANG pinuri ni Judy Ann Santos ang kaniyang anak na si Lucho matapos sumali ito sa isang football tournament sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakailan.

Sa Instagram post ng actress, sinabi nito na bagama’t hindi nanalo ang koponan ni Lucho ay binigyang-diin niya na proud na proud ito sa kaniyang anak.

Maliban naman aniya sa salitang “panalo” ay importante rin ang “pagkatalo” dahil dito mas maraming natututunan sa buhay.

Tiniyak na rin ni Judy Ann kay Lucho na mananatiling suportado nito ang anak anumang mangyari partikular na sa football.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter