Juliana Gomez, wagi sa isang fencing competition sa Thailand

Juliana Gomez, wagi sa isang fencing competition sa Thailand

NANALO ang unica hija ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez na si Juliana sa isang open fencing competition sa Thailand noong Sabado, Nobyembre 26.

Masayang ibinahagi ng ama nito ang balita sa social media.

Nauna nang ibinahagi ni Juliana na matagal-tagal na siyang nagsasanay ng fencing at mismong ang kanyang ama ang coach nito lalo na’t ito naman ang kasalukuyang presidente ng Philippine Fencing Association.

Follow SMNI NEWS in Twitter