IPINAGDIWANG ng actress-singer na si Julie Anne San Jose ang kaniyang kaarawan kasama ang kabataan ng Aeta community sa Inararo, Porac, Pampanga.
May 23 nang ibinahagi ni Julie Anne sa Instagram ang naturang aktibidad kasama ang mga kabataan.
Dito, namahagi siya ng pagkain at gadgets.
Kinantahan at nakipaglaro din ito sa mga bata.
Samantala, noong May 17 naman ang ika-29 birthday ni Julie Anne.