July 10 power interruptions, aasahan sa 4 lugar sa NCR, 2 karatig probinsiya—Meralco

July 10 power interruptions, aasahan sa 4 lugar sa NCR, 2 karatig probinsiya—Meralco

MAKARARANAS ng power interruption ngayong Hulyo 10-12 ang ilang bahagi ng Metro Manila maging ang karatig probinsiya nito.

Sa anunsiyo ng Meralco, dahilan ng power interruptions ang line reconductoring works at pole replacements sa Old Bayanihan Road, Sta. Quiteria, Caloocan City; Adarna at Sto. Niño sa Commonwealth, Quezon City; Malagihay Compound sa Bacoor City, Cavite; Marina Baytown, Brgy. Tambo, Paranaque; St. Macabling Road, Sta. Rosa City, Laguna.

Magkakaroon din ng upgrading, installation at retirement sa mga pasilidad nila sa 20th Drive, Fort Bonifacio Global City, Taguig; at California Ave., Calamba City Laguna.

Para sa malinaw na schedule ng power interruption, maaaring bisitahin ang social media platforms ng Meralco para sa anunsiyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble