Jun Abines may mensahe hinggil kay FPRRD at Pastor Quiboloy

Jun Abines may mensahe hinggil kay FPRRD at Pastor Quiboloy

IBINAHAGI ng political commentator na si Jun Abines sa isang social media post ang kaniyang pananaw tungkol sa relasyon nina Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Abines, matagal nang sumusuporta si Pastor Quiboloy kay Duterte, lalo na sa kampanya laban sa krimen, droga, at terorismo.

Naniniwala rin siya na ito ang dahilan kung bakit si Quiboloy ang unang tinarget ng mga “dayuhang kalaban” at ng ilang “kasabwat na politiko” upang mapahina umano si Duterte.

Aniya, matapos sirain si Pastor Quiboloy sa pamamagitan ng mga “pekeng kaso”, sinundan ito ng pag-atake sa pamilya Duterte.

Sa huli, hinimok ni Abines ang publiko na iboto si Pastor Quiboloy bilang senador sa darating na halalan. Dagdag pa niya, kung pinagkakatiwalaan ni Duterte si Quiboloy, dapat ay gayundin ang taumbayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble