HINDI na muna makapaglalaro para sa San Miguel Beermen si Jun Mar Fajardo sa loob ng apat hanggang anim na linggo.
Ayon sa team manager na si Gee Abanilla, na-diagnose ng fourth metacarpal fracture si Fajardo matapos ang pinakalatest na naging panalo ng San Miguel kontra Rain or Shine sa iskor na 115- 110.
Maaaring maging hamon ito ng Beermen dahil wala rin ang ibang de-kalibreng manlalaro nito gaya nina Terrence Romeo, Vic Manuel at Jeron Teng maging ang rookie na si Kyt Jimenez dahil sa injuries.
Hindi rin nakapaglaro para sa koponan sa unang bahagi ng season sina Marcio Lassiter at Jericho Cruz.