Jungkook ng BTS, naglabas ng bagong official music video

Jungkook ng BTS, naglabas ng bagong official music video

MAYROON ng bagong music video ang sikat na singer na si Jungkook.

Nito lamang Nobyembre 22, inilabas ang kantang “Dreamers” ni Jungkook ng FIFA para sa World Cup 2022 na kaniya ring itinanghal sa opening ceremony sa Qatar.

Mula nang ipinalabas ang nasabing music video, noong Nobyembre 20, nanguna ito sa iTunes Chart sa mahigit 100 bansa sa buong mundo, kabilang na ang United States, United Kingdom, Japan, France Canada, Australia, Germany at Italy na pinakamalalaking merkado pagdating sa musika.

Ang nasabing single ay nag-set ng pinakabago at pinakamabilis na record na kanta ng FIFA World Cup Song na tumama sa No. 1 sa iTunes Chart sa United States kung saan tumagal ng 2 hours at 11 minutes sa top chart.

Kasama rin sa nasabing music video na kinunan sa Qatar ang Qatar singer na si Fahad Al-Kubaisi.

 

Follow SMNI News on Twitter