Junior citizens, nais bigyan ng discounts at privileges ng isang mambabatas

Junior citizens, nais bigyan ng discounts at privileges ng isang mambabatas

NANANAWAGAN si Camarines Sur 2nd District Rep. Lray Villafuerte na bigyan ng discount at privilege ang tinatawag na junior citizens o ang mga batang may edad 12-taong gulang pababa.

Sa ilalim ng House Bill No. 8312 ni Villafuerte, nais nito na maging awtomatiko at libre ang coverage ng junior citizens sa National Health Insurance Program ng PhilHealth.

Ang mga junior citizen na mula sa pamilyang mababa sa P250-K ang annual income ay mabibigyan pa ng hiwalay na libreng medical at dental services sa government health facilities.

Bibigyan din sila ng 20% discount at exempted ang mga ito sa value added tax sa iba’t ibang medical services, admission fees, pagbili ng mga gamot at milk supplements.

Maaari ding maka-avail ng funeral at burial services sakaling masawi ang isang benepisyaryong junior citizen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble