Justice Sec. Remulla, nakatakdang bumisita sa Pola, Oriental Mindoro

Justice Sec. Remulla, nakatakdang bumisita sa Pola, Oriental Mindoro

NAKATAKDANG bumisita si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa bayan ng Pola sa Oriental, Mindoro ngayong Martes ng umaga, Marso 21.

Personal na makikipag-usap si Secretary Remulla kay Pola Mayor Jennifer Cruz at para din makita ang sitwasyon ng mga residente.

Matatandaan na humingi ng tulong si Mayor Cruz sa Department of Justice (DOJ) at maging sa National Bureau of Investigation (NBI) para maibestigahan at makasuhan ang may-ari ng lumubog na MT Princess Empress na nagresulta ng oil spill.

Una na ring sinabi ni Remulla na tinitingnan na ng pamahalaan ang paghahain ng criminal at civil cases laban sa may-ari ng nasabing oil tanker.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram