TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na mas mabuti na ngayon ang kalagayan o health condition ni Justice Secretary Crispin Remulla.
Ipinaliwanag ni Justice Undersecretary Margarita Gutierrez na ito ay dahil nakatutok na talaga si Remulla sa pangangalaga sa kaniyang kalusugan.
Nabatid na noon pang Marso huling nakita o pumasok sa kanyang opisina sa DOJ si Remulla matapos itong naospital at sumalang sa iba’t ibang diagnosis para sa kaniyang sakit na hindi na tinukoy sa publiko.
Marami naman ang nagulat sa malaking pagbabago ng hitsura ni Remulla matapos lumantad sa publiko at nagtungo sa Malakanyang kahapon para lagdaan nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang inilunsad na 2024 Department of Justice – National Prosecution Service Rules on Preliminary Investigations and Inquest Proceedings.
Kaninang alas diyes ng umaga nang dumating sa DOJ ang kalihim at agad na dumiretso sa kaniyang opisina at hindi muna nagbigay ng anumang pahayag sa mga mamamahayag sa nag-abang sa kaniya.