KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maghahain siya ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council para sa posisyong Ombudsman.
Ayon sa Kalihim, nakatakda niyang isumite ang aplikasyon bago sumapit ang Biyernes.
Sa tanong kung bakit ito mag-aaplay para sa naturang posisyon, ito ang sagot ng Kalihim.
Sa kabila ng kinahaharap na reklamo, naniniwala si Remulla na hindi ito magiging hadlang sa kaniyang aplikasyon.
Matatandaan na inirekomenda ni Senator Imee Marcos sa Ombudsman na masampahan ng kaso si Remulla kasunod ng illegal na pag-aresto at pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands.
Sakali mang matatanggap si Remulla sa Ombudsman post, ayon sa kalihim, meron siyang maaring irekomenda sa Pangulo bilang kapalit niya pero maaga pa daw para pag-usapan ito.
Sinabi naman ni Remulla na naipaabot na niya kay Pang. Bongbong Marcos ang kaniyang plano na mag-aplay sa JBC.