IBINENTA na ng pop icon at hitmaker na si Justin Bieber ang kanyang music publishing at catalog shares sa Blacktone-Backed Hipgnosis Songs Capital sa halagang 200 million dollars.
Kinumpirma ito mismo ng kumpanyang Blackstone matapos ang ilang linggong rumor na ibebenta na umano ng 28-taong gulang na si Bieber ang kanyang music rights.
Matatandaan na bukod kay Justin Bieber ay ibinenta rin nila Justin Timberlake at Shakira ang malaking parte ng kanilang music rights sa Hipgnosis.
Ayon sa deal, nakuha na ng Hipgnosis ang publishing copyrights ni Bieber sa kanyang 290-song back catalogue kabilang na ang kanyang writer’s share.
Kasama rin dito ang kanyang artist rights sa kanyang master recordings pati na sa kanyang rights royalties o ang bayad na natatanggap ng may-ari ng kanta kada pinapatugtog ito sa publiko.