SUMASAILALIM ngayon sa non-basketball medical procedure ang resident import na si Justin Brownlee upang makasama sa Gilas Pilipinas.
Ayon sa head coach nito na si Chot Reyes, nakatakda nang umalis ang Gilas Pilipinas patungong Estonia ngayong Huwebes upang harapin ang koponan nito para sa isang pocket tournament.
Dagdag pa ng coach, mauuna na sa Estonia si Brownlee dahil nga hindi ito nakasali sa kanilang team practice.
Maliban kay Justin Brownlee, makakasama rin ng Gilas Pilipinas sa Estonia ang isa pang big man na si Ange Kouame para sa laban nito.
Sa ngayon, kasalukuyang nag-eensayo ang Gilas sa Laguna.