DAPAT mapaunlad pa ang K-12 curriculum ng bansa ayon kay House Committee on Basic Education and Culture chairperson Roman Romulo.
Aniya, hindi naging epektibo ang nabanggit na curriculum para makagawa ng mga ‘job-ready’ na mga kabataan.
Matatandaan na noong taong 2021 batay sa pag-aaral ng World Bank, ang Pilipinas ay may 90% na learning poverty.
Ibig-sabihin, may mga kabataang nasa edad 10-taong gulang ay hindi pa marunong magbasa.
Suportado rin ni Romulo ang mungkahi ng Department of Education na pag-isahin ang arts, physical education at social studies sa iisang subject para sa mga mag-aaral ng Grade 1 hanggang Grade 3.