IBINUNYAG ng veteran K-drama writer na si Kim Eun-sook ang kaniyang naging inspirasyon sa pagsulat ng South Korean hit series na “The Glory”.
Aniya, isang tanong lang mula sa kaniyang babaeng anak ang dahilan kung bakit sinulat niya ang kuwento ng pelikula.
Ang tanong ayon sa veteran writer, saan ba daw siya mas masasaktan, kung mambugbog ang kaniyang anak hanggang mamamatay ang isang tao o ito ang mabugbog ng ibang tao hanggang mawalan ng buhay.
Laganap pa aniya, sa South Korea ang real-life na bullying cases kung kaya’t ito ang nag-udyok sa kaniya na sulatin ang “The Glory”.
Ang “The Glory” ay pinagbibidahan ng sikat na aktres na si Song Hye Kyo.
Umiikot ang kwento ng “The Glory” sa isang babae na nakararanas ng childhood violence at ito ang naging inspirasyon niya para maghiganti sa paglipas ng panahon.