K-pop agency, nagbabala sa unauthrorized ENHYPEN-related event sa Pilipinas

K-pop agency, nagbabala sa unauthrorized ENHYPEN-related event sa Pilipinas

NAGBABALA ang management company ng K-pop boy group na ENHYPEN sa mga fans patungkol sa unauthorized paid fan event sa Pilipinas at sinabing magsasagawa ito ng “legal action” laban sa organizers kung itutuloy man ito.

Sa isang email sa mga miyembro ng fan community sa app na Weverse, sinabi ng Belift na ang nasabing event ay nagbebenta ng tickets gamit ang content ng BELIFT LAB nang walang authorization nito.

Ang kompanya, na joint venture sa pagitan ng Korean entertainment giants na HYBE at CJ E&M ay tinutukoy ang “ENHAFESTIVA: Day 1”.

Sinabi ng Belift na ang event ay idadaos nang walang kahit na anong diskusyon sa kanilang kompanya.

Sa pahayag naman na inilabas ng organizer sa Twitter, sinabi nito na kinansela na nito ang nasabing event kasunod ng ilang buwang pag-uusap kasama ang Belift Lab.

 

Follow SMNI News on Twitter