K-pop girl group na Lapillus, pinasalamatan ang Pinoy fans sa matagumpay na tour sa bansa

K-pop girl group na Lapillus, pinasalamatan ang Pinoy fans sa matagumpay na tour sa bansa

PINASALAMATAN ng Kpop girl group na Lapillus ang mga taga suporta nitong Pinoy dahil sa matagumpay nitong 2-day fan meet ng grupo sa bansa.

Tumungo ang Lapillus sa bansa para sa kanilang “Hit Ya Pilipinas, The Manila Tour,” kung saan iprinomote rin nito ang bago nilang kantang “Hit Ya!” at comeback mini album na “Gratata.”

Ayon sa isa sa mga miyembrong Filipino-Argentinian na si Chanty, nais nilang pasalamatan ang lahat ng tagahanga nilang Pinoy dahil sa pagsuporta sa Lapillus bago pa man sila mag-debut hanggang ngayon.

Dagdag ni Chanty, hindi na ito makapaghintay na makabalik sa bansa at makapag-concert kasama ang kanyang mga miyembro sa harap ng kanilang Pinoy fans.

Ang Lapillus ang latest Kpop act mula sa label na MLD Entertainment na siya ring label ng girl group na Momoland na sumikat sa Pinas dahil sa kantang “Bboom Bboom at “Bam.”

 

Follow SMNI News on Twitter