MAGHANDA na K-pop fans dahil isang tulog nalang at ma-eexperience niyo na ang K-pop playground ngayong taon na mapupuno ng unlimited fun experience, fandom, fan booths, k-pop performances, games at giveaways para sa lahat ng dadalo.
Sisimulan ang event sa pamamagitan ng performance na hatid ng J2RB, at pangungunahan din nila ang isang random playdance na tiyak magpapasaya sa fans.
Matutunghayan din sa event ang iba’t ibang performances mula sa mga grupo gaya ng HORIZON members na sina Marcus at Vinci para sa isang Idol talk kung saan ibabahagi nila ang kanilang experience bilang global idols.
Handog din ng P-pop sensation na VXON ang isang special performance. Habang isho-showcase naman ng rising P-pop boy group na New:ID ang kailang talento na nahubog mula sa kanilang training sa South Korea, at mga performance mula sa iba’t ibang k-pop inspired group.
Ang K-pop playground 2025 ay unang parte lang ng 2-day celebration na 2025 Everyone’s Kpop Manila na ihahatid ng Korean Cultural Center of the Philippines.
Magaganap ito ngayong June 21, 10am sa Robinsons Galeria Ortigas. Kaya don’t miss your chance, mga kapartner, dahil free admission ang event na ito!