ANDITO na sa Pilipinas ang K-pop star na si IU para sa kaniyang nakatakdang concert ngayong Hunyo 1, 2024!
Nitong Mayo 30 nang dumating ang actress-singer sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) 1.
Gaganapin naman ang kaniyang “Hereh” world tour concert sa Sabado sa Philippine Arena, Bulacan.
Ito ang muling pagbabalik ni IU sa Pilipinas mula nang isinagawa nito ang kaniyang “Love, Poem” Tour sa Araneta Coliseum noong Disyembre 13, 2019.