NAGLULUKSA ngayon ang sikat na K-pop group na Astro dahil sa pagkasawi ng isa nilang miyembro na si Moon Bin.
Kinumpirma ito mismo ng kaniyang management agency na Fantagio sa pamamagitan ng isang Twitter post.
Sa ulat, natagpuang walang buhay si Moon Bin sa kaniyang apartment sa Gangnam, Seoul, South Korea bandang 8 pm nitong Miyerkules.
Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang bangkay ng singer upang malaman ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Ang K-pop idol ay huling bumisita sa Pilipinas kasama ang Astro member na si Sanha para sa kanilang fan meet tour noong March 25.