Ka Eric at Doc Lorraine, nagsagawa ng hunger strike vs Kamara

Ka Eric at Doc Lorraine, nagsagawa ng hunger strike vs Kamara

ISANG hunger strike ang isinagawa laban sa Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez.

May busal sa bibig at ang panawagang Kalayaan.

‘Yan ang ipinaglalaban ng grupong Sambayanan sa liderato ng Kamara matapos ikulong sa Batasang Pambansa ang dating kadre ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz.

Kasama niyang nakulong si dating NTF-ELCAC Spokesman Usec. Lorraine Badoy.

Silang dalawa ay mananatili sa detention facility sa Kamara hangga’t hindi na-aadopt ang committee report ng legislative franchises panel kaugnay sa imbestigasyon ng Kamara sa prangkisa ng SMNI.

Sina Badoy at Celiz ay host ng Laban Kasama ang Bayan, isang programang nakatuon kontra CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Ka Winie Doblizo, Jr.- national president ng SAMBAYANAN na isang malawak na samahan ng mga dating kadre, rebelde, taga-suporta, at kanilang mga pamilya, dapat palayain na sa Kamara ang dalawa.

Habang nasa loob ng Batasan, isang hunger protest ang isinagawa nina Badoy at Celiz laban sa liderato dahil sa kanilang sinapit.

Malinaw anila kasi na hindi SMNI Franchise ang target ng hearing sa Kamara kundi patahimikin silang kontra sa CPP-NPA-NDF.

“Our democratic right to free expression- the right above all rights- is being trampled on by the government and our freedom of the press where the government is being held accountable to the people, is being demolished right before our very eyes,” pahayag ni Dr. Lorraine Badoy | December 6, 2023.

Bago bitbitin papunta sa detention facility nitong Martes, tinawag naman ni Celiz na Kangaroo Court ang Kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin Romualdez.

Nag-ugat ang aksiyon ni Celiz dahil pinipilit siyang paaminin kung sino ang source ng P1.8-B travel funds ng Office of the Speaker.

Pero, tumanggi si Celiz kumanta kahit na inalok ito ng executive session para ilaglag ang kaniyang source.

“So the sergeant of arms is hereby directed to enforce the decision of this committee. Can make a comment Mr. Chair? Session suspended. Atty. Tolentino,” pahayag ni Rep. Gus Tambunting, Chairman, House Committee on Legislative Franchises.

Kamara, tinawag na Kangaroo Court ni Ka Eric; Franchise Panel, nanindigang tama ang contempt order

“Thank you for this Kangaroo Court, Thank you for this Kangaroo Court. Thank you for this Kangaroo Court,” saad ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Program Host, Laban Kasama ang Bayan.

Nanindigan naman ang franchise committee na tama ang kanilang ginawa kay Celiz dahil sa pagtanggi na ikanta ang source ng kaniyang impormasyon.

Pero, iginiit ni Celiz ang Sotto Law o RA 11458 na nagbibigay karapatan sa mga mamamahayag na protektahan ang kaniyang source.

“Karapatan po ng mamamayan ang ipinagtatanggol dito. Ang Konstitusyon ay bahagi ng batas, pinakamataas na batas ng ating bansa. I will be detained to for life so be it. I will stand for my right. Otherwise I will lost my right and the people’s rights,” ani Celiz.

“He will refuse to answer any question that the Honorable Suarez will ask. And he will always cite a law which is unacceptable to this committee,” dagdag ni Tambunting.

Nauna nang sinabi ng Kamara na mahigit P39-M lamang ang travel expenses ng buong kapulungan ngayong taon at hindi P1.8-B.

Nanindigan naman si Celiz na hindi statement kundi nagtatanong lamang siya kung umabot ba sa P1.8-B ang travel expenses ng Kamara.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Celiz kay Speaker Romualdez kung nagdulot man ng kasiraan sa pangalan ng opisyal ang kaniyang pagtatanong.

Mananatili namang bukas ang SMNI sa panig ng Kamara sa Kangaroo Court Statement ni Ka Eric.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter