UMABOT na sa 12,055 kababaihan at kabataan na mga biktima ng karahasan mula taong 2021 hanggang 2023 ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isang forum, sinabi ng ahensiya na nabigyan ang mga biktima ng Violence Against Women and their Children (VAWC) ng kaukulang residential and non-residential care services, recovery at reintegration program for trafficked persons, at iba pang community-based services.
Kasama pa sa intervention na inaalok ng ahensiya ay psychosocial care o counseling, at psychological o psychiatric testing.
Samantala, sinabi ng DSWD na huwag mag-atubiling lumapit sa kanila o sa mga awtoridad sakaling nakararanas ng karahasan ang isang babae o bata.