Libo-libong kababaihan sa Spain, nagprotesta

KABABAIHAN sa Spain nakilahok at nakiisa sa pagprotesta upang markahan ang International Women’s Day sa kabila ng pagbabawal ng mga lokal na awtoridad ng Madrid, Spain na magdudulot ng pagtaas ng kaso ng coronavirus o COVID-19.

Humahawak ng mga karatula na may nakasulat na “Respect my existence or expect my resistance,” libo-libong kababaihan ang nagprotesta sa buong Spain laban sa karahasan at bilang pagsuporta sa pantay-pantay na karapatan ngayong panahon ng International Women’s Day.

Sa isang bansa kung saan ang mga karapatan ng kababaihan ay nangunguna sa pampulitika sa mga nagdaang taon, naganap ang pinakamalaking demonstrasyon sa sentro sa lungsod ng Barcelona.

Ngunit sa kabila nito, karamihan sa mga babaeng nag nagprotesta ay may hawak na purple banner na nagsasabing: “It will be a happy day when none of us is missing.”

Samantala, nagulo ang mapayapang rally dahil sa pag-atake ng isang lalaki na nagspray ng pepper-spray sa limang kababaihan na nasa protesta.

Ang motibo ng lalaki sa pag-atake ay iniimbestigahan pa at ito ay na-detaine habang tinulungan naman ng emergency medics ang limang kababaihan.

Ang protesta sa Barcelona ay awtorisado ngunit ang pagdalo ay limitado lamang ng hanggang 3,500 na katao, kailangang mapanatili ang social distancing dahil sa pandemya.

Ipinagbawal ng mga awtoridad ang pagmamartsa sa Madrid sa Women’s Day dahil sa naganap na rally noong nakaraang taon na nagdulot ng pagkalat ng coronavirus.

Ngunit sa kabila nito, humigit-kumulang 50 kababaihan ang nagprotesta sa Puerta del Sol Square na my bitbit na mga placard na nakasulat “male violence is also a pandemic.”

Nakatayo naman ang mga pulis habang naglalakad sa paligid ng plaza ang mga nagpoprotesta at nagsindi ng purple smoke flare.

“We are here to claim the right of women to demonstrate… It’s outrageous that the self-proclaimed most feminist government in history is banning women’s marches on March 8, Pagsasaad ni Josefina Martinez, 42, Spokeswoman ng Feminist Association.

Samantala, isang pangkat din ng kababaihan ang nagsagawa ng protesta sa labas ng Madrid matapos ang malaswang paninira sa mural ng U.S Civil Right Activist na si Rosa Parks at Mexican Artist na si Frida Kahlo.

(BASAHIN: Footbal coach sa Spain, nasawi dahil sa coronavirus disease)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.