TINAWAG ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na kabit ng National Democratic Front (NDF) ang tatlong party-lists ng Makabayan sa Kongreso.
Partikular na tinukoy rito ang mga party-list na Kabataan, Gabriela at ACT Teachers o KAGAT.
Sa kanyang programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI News, ipinaliwanag ng dating Senate President, batay sa istruktura ng komunista, mayroon talaga itong united front para sa kanilang layuning pabagsakin at agawin ang gobyerno.
Ito ay sa gitna ng paghahain ng mga panukalang batas ng KAGAT Party-lists sa Kongreso na sinasalungat ang mga programa ng gobyerno.
Dagdag pa ni Enrile, may mga indibidwal na ayaw maging miyembro ng Communist Party of the Philippines pero supporter sila ng komunistang grupo.
Nilinaw rin ni Enrile na kahit na ang mga ito ay hindi komunista pero kumikilos naman ang mga ito batay sa polisiya ng CPP.
Sa ngayon, nanatiling nakabinbin sa Commission on Elections (COMELEC) ang disqualification case ng KAGAT Party-lists na inihain ng mga dating kadre ng CPP-NPA-NDF.
Sinabi naman ni Enrile na ang kahinaang ito ng gobyerno ay bunsod ng kakulangan ng koordinasyon o ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng militar, pulis, at Department of Interior and Local Government (DILG) para makakuha ng mabigat na ebidensya laban sa mga itinuturing salot sa bansa