Kabataan ng KOJC, lumahok sa Drug Symposium sa Cubao, Quezon City

Kabataan ng KOJC, lumahok sa Drug Symposium sa Cubao, Quezon City

AKTIBONG lumahok ang ilang kabataan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) NCR Chapter sa isinagawang Drug Symposium na pinangunahan ng Anti-Drug Group na Bangon Bayan, Sulong Pilipinas sa Quezon City.

Ang symposium ay isinagawa kasabay ng Youth & YSAK Summer Camp 2025 na inorganisa ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Tinalakay ang mga aspeto ng droga, mula sa mga uri ng ipinagbabawal na gamot, mga epekto nito sa kalusugan, at mga legal na konsekwensya ng paggamit at kalakalan nito.

Para sa mga kabataan, malaki ang kanilang pasasalamat sa programa para makaiwas sila at hindi maging biktima ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamut.

Layunin din ng aktibidad na mapalakas ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga programa ng gobyerno at maging mga aktibong kalahok sa mga hakbang upang labanan ang paglaganap ng ilegal na droga sa komunidad.

Matagal na ring kampanya ng KOJC ang paglaban sa ilegal na droga sa ilalim ng pagtuturo ng KOJC Founder at Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Higit pa sa isang malinis, maayos at payapang komunidad ang hangarin ng Butihing Pastor para sa mga kabataan na malayo sa mga bisyo at kapahamakang dulot ng ipinagbabawal na gamot.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble