Kabataan sa Socorro, Surigao del Sur, kampeon sa Daegu Festival sa South Korea

Kabataan sa Socorro, Surigao del Sur, kampeon sa Daegu Festival sa South Korea

KAMPEON sa Daegu Festival sa South Korea ang mga kabataan sa Socorro, Surigao del Sur.

Pinatunayan ng grupong Socorro Bayanihan Services Inc. o mas kilalang ‘Bayanihan dito sa Sitio Kapihan’, Sering, Socorro, Surigao del Norte na mali ang paratang na sila ay kulto.

Ayon kay Mark Ivan Quiban, head choreographer ng Omega de Salonera, naging inspirasyon nila ang mga pinagdadaanang mga pagsubok gaya ng maling akusasyon na sila ay mga kulto at sa mahabang panahon sila ay nakaranas ng diskriminasyon.

Dahil dito ay lalo pa nilang pinag-ibayo ang mga talento ng kanilang mga kabataan gaya ng pagsayaw, pag-awit, at pinangalanan nila ang grupo ng mga kabataan na ‘Omega de Salonera’ mula sa salitang Kastila na ibig sabihin ay ‘Last Group of Dancers’.

Ani Quiban, isa sa kaniyang naging inspirasyon si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name.

“So actually parang ako…right when I was…tell you that really I was following the footstep of Pastor Apollo C. Quiboloy, even when I think he was still young I was following him I know how he grow, how SMNI whats.. This flourishes and this afternoon, I was really happy finally nandito kayo hindi lang isa hindi lang si Joel pero lima kayo. This our dreams na perhaps ang issues naming malaman sa labas kung ano ang ginagawa namin dito,” ayon kay Mamerto D. Galanida, Vice President, Socorro Bayanihan Services Inc.

Bagama’t may mga hamon gaya ng usapin sa financial isa ang pag-aambagan ng mga residente para marating ng mga kabataan ang kanilang pangarap na makapagsayaw sa mga malalaking competition tulad sa Bonok-Bonok Festival na ginanap sa Surigao del Norte kung saan sila ay umuwi sa Sitio Kapihan na dala ang tagumpay.

Nagwagi rin sa taunang Sinulog Festival sa Cebu ang grupo sa tulong ng mga taong bukal ang puso, sila ay nakabili ng ticket papunta sa Cebu at itinanghal na kampeon.

“We are just dreaming na sumali sa ganiyan na competition. Sa aming pag-iisip hindi namin kaya because sana sabi ko na nasa iisang sitio lang kami. Sa aming pag-iisip wala kaming kakayahan sa competition sa mga ganyan na malalaking festival kung ating pag-usapan. Pero nakayanan namin pero humugot kami ng lakas at inspirasyon sa mga mamamayan ng Kapihan na napaka-suportado nila. Kung inyong malalaman na ang tema ay about sa pagtutulongan na walang iniisip na kapalit,” ayon kay Mark Ivan Quiran, Head Choreographer-Omega de Salonera.

Matapos maging grand champion sa Sinulog Festival ay sinubukan din ng grupo na makilahok sa Daegu Festival na ginanap sa bansang South Korea kung saan tinalo nila ang 18 mga bansa na lumahok at umuwi ng Pilipinas bilang kampeon.

Mga kabataan sa Surigao del Norte, nanalo sa multimedia production national category ng DA

Maliban sa galing sa pagsasayaw at pagkanta, ibinahagi rin nila ang tagumpay sa ginanap na Agri-Galing ng Department of Agriculture (DA) sa lungsod ng Butuan.

Ayon kay Popit Quisagan, art designer ng ALT Multimedia Production, wala silang sapat na kaalaman sa pagbuo ng mga video at nagsimula lang ito sa simpleng vloging na kanilang pinaglilibangan matapos ang kanilang mga gawain sa buong araw.

Sinubukan din nila ang pagbuo ng multimedia production at sumali sa promotional video ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-CARAGA at sila ay nagwagi sa national category ng Agri-Galing ng DA.

Ipinakita rin nila sa SMNI ang kanilang recording studio upang mas malinis ang mga musika na mapakikinggan ng mga viewer.

Sa ngayon may 300 videos na upload ang kanilang YouTube Channel at Facebook page.

Isa sa nakapukaw ng puso ang kanilang original composition music video na “Magkasama Tayo” bilang pagbalik-tanaw sa kanilang mga pagsubok na dinaanan sa panahon ng Bagyong Odette.

“Wala kaming background about making  videos, mga editing videos, wala kaming background, sa amin we were just searching, we’re just mag-google, manood ng mga videos, ‘yan lang ang aming kinukuhaan ng ideya, ang internet (sa internet) kami nag-base kasi wala kaming experience, ang aming mga kasama mga estudyante pa,” ayon kay Popit Quisagan, Art Design ALT Multimedia Production.

Sa huli, umaasa ang grupo na sa pamamagitan ng SMNI, maraming maliwanagan at mapaabot ang tama nilang ginagawa, taliwas sa kumakalat na balita laban sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble