Kabayanihan ng SAF 44, inalala ng PNP

Kabayanihan ng SAF 44, inalala ng PNP

INALALA ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ay kasabay ng Day of National Remembrance na may temang “Legacy of Heroes: Inspiration of Future Generations”.

Sa mensahe ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sinabi nito na ang sakripisyo ng SAF 44 ay isang paalala sa kanilang hanay para sa pagtupad sa tungkulin na protektahan ang taumbayan.

Dapat aniyang magsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga pulis ang ipinamalas na sakripisyo ng SAF 44.

Nagsagawa rin ng aktibidad ang iba’t ibang Police Regional Offices (PROs) para sa SAF 44.

Taong 2015 nang nasawi ang SAF 44 para mahuli ang terorista na si Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan sa Mamasapano, Maguindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter