NAKAPAGTALA na ang Comelec ng 114 na nakapagfile ng kandidatura para sa national post at partylist sa 2022 elections sa unang-apat na araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Sa ngayon mula ng buksan ang pagpasa ng COC at CONA para sa national post at partylist ay 114 na ang nakapagfile dito.
Nasa ikalimang-araw na ngayon ng COC filing sa Sofitel Pasay City para sa mga tatakbo sa eleskyon sa 2022.
Simula October 01 ay mayroon nang 20 filers para sa presidential post, 7 sa vice president, 39 ang nakapagfile para sa senator at para sa partylist 48 na ang nakapagfile ng kanilang COC at CONA.
Ilan sa mga personalidad na nakapagfile para sa pagkapangulo ay sina Sen. Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno.
Sapagkabise-presidente ay si Cong. Lito Atienza na magiging running mate ni Pacquiao, at si Doc. Willing Ong na katandem naman ni Isko Moreno.
Sa senatorial ilan sa mga nakapagfile na ay sina Cong. Loren Legarda, Chiz Escudero, ang magkapatid na JV at Jinggoy Estrada, at Raffy Tulfo.
Sa partylist, ay nakapagfile na ang Gabriela partylist, Diwa partylist at iba pa.
Magtatagal naman ang COC filing dito sa Sofitel hanggang October 08.