Kabuuang imported rice na dumating sa bansa nitong 2024, pumalo na sa higit 4.7 milyong metriko tonelada─DA

Kabuuang imported rice na dumating sa bansa nitong 2024, pumalo na sa higit 4.7 milyong metriko tonelada─DA

PUMALO na sa higit 4.7 milyong metriko tonelada ang kabuuang imported rice na dumating sa bansa nitong 2024 ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Plant Industry (BPI), umabot na kasi sa 4.78 million metric tons ang kabuuang bilang ng imported na bigas ang dumating sa bansa nitong Disyembre ng 2024.

Ang bilang na ito ay mas mataas kumpara sa target volume lamang ng Department of Agriculture na 4.5 million metric tons para sa nasabing taon.

Di rin hamak na mas mataas ang naitala nitong 2024 kumpara sa target volume lamang noong 2023 na nasa 3.6 million metric tons.

Ngunit, paglilinaw ng ahensya hindi raw makaapekto ang sobra-sobrang suplay ng imported rice sa bugso ng anihan ng lokal sa susunod na buwan.

‘’Presyo sa International market plus the reduce tariffs we can expect na bababa nga ang presyo plus it can augment nga ‘yung lower production natin for 2024 na 19.3 million metric tons,’’ ayon kay Asec. Arnel de Mesa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble