Kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 70,000 na

Kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 70,000 na

BONUS OFFER

HIGIT sa 70, 000 na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos madagdagan ng 1,951 panibagong kaso sa nakalipas na magdamag.

 

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), as of 4pm, July 21, tumaas pa sa 70, 764 ang kabuuang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

 

Mula sa kabuuang bilang, 45, 646 ang naitalang active cases.

 

Nadagdagan naman ng 209 ang bilang ng mga gumaling dahilan upang tumaas pa sa 23,281 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.

 

Sa ngayon, nasa 1,837 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa matapos madagdagan ng 2 sa nakalipas na 24 oras.

 

91% ng mga Pinoy, laging nagsusuot ng mask tuwing lumalabas

 

Tinatayang 91% ng mga Pinoy ang palaging nagsusuot ng masks tuwing lumalabas ngayong mayroong banta ng COVID-19.

 

Base ito sa isinagawang survey ng YouGov sa pakikipagtulungan ng Institute of Global Health Innovation ng Imperial College London.

 

Isinagawa ang survey sa 29 mga bansa noong Hunyo 22 hanggang Hunyo 28.

 

Ang Pilipinas ay ikalawa sa may pinakamataas na porsyento ng mga mamamayan na nagsusuot ng bansa tuwing lalabas ng tahanan.

 

Batay sa survey 1% ng mga Pinoy ang hindi nagsusuot ng mask tuwing lalabas, 2% ang minsan lamang magsuot ng mask habang 5% ang madalas magsuot ng mask.

 

Nanguna naman ang Singapore na mayroong mahigit 94 percentage ng kanilang population ang palaging nagsusuot ng mask.

 

SMNI NEWS

 

Low cost charcoal

Leave a Reply

Your email address will not be published.