Kabuuang kita ng DOT nitong 2024, umabot ng P760B

Kabuuang kita ng DOT nitong 2024, umabot ng P760B

NASA P760B ang kabuuang kita ng Department of Tourism (DOT) nitong 2024.

Katumbas ito ng 9.04% na pagtaas kumpara sa P697.46B noong 2023.

Ayon sa DOT, sanhi ng paglago ang ginawang pagpapabuti ng mga tourism infrastructures, pagpapalakas ng skill-building ng mga manggagawa at iba pa.

Samantala, ang arrival ng mga dayuhang bisita ay umabot ng 5.95 million nitong 2024 o 9.15% na mas mataas kumpara noong 2023.

Sa datos, South Korea ang top source market ng tourism arrivals ng bansa.

Sinundan ito ng Estados Unidos at Japan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter