Kadiwa Market at Kadiwa on Wheels ng DA, umarangkada na

UMARANGKADA na ngayong araw ang “kadiwa market” at “kadiwa on wheels” ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, tampok dito ang mga gulay, prutas, isda, bigas at iba pang pangunahing bilihin na binebenta sa mas murang halaga.

Matatagpuan ang “kadiwa market” sa DA building Agricultural Training Institute sa Elliptical Road, Quezon City.

Bukas ang kadiwa market sa mga mamimili ngayong araw at bukas, araw ng Biyernes, mula 5:00 am hanggang 5:00 pm.

Una nang sinabi ng DA na maglalagay sila ng mga kadiwa food market sa Metro Manila habang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.