BUKAS na sa publiko ang kauna-unahang Kadiwa Caravan na handog ng pamahalaan para sa mga kababayan nating nais makatipid ng mga bilihin sa merkado.
Tinawag ito na Kadiwa ng Pasko, kung saan tampok dito ang iba’t ibang uri ng farm products mula sa iba’t ibang lugar na mabibili sa murang halaga.
Ang hakbang na ito ng pamahalaan ay upang mailapit ang mga lokal na produkto ng mga bayan at ibinebenta ng Kadiwa sa discounted na halaga.
May kabababaan at abot-kaya ang presyo kumpara sa ibang pamilihan sa Metro Manila.
Pinangunahan ang aktibidad ng Office of the President at mismong kalihim ng Department of Agriculture, President Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga mabibili ang mga gulay, prutas, mga karne ng manok, isda at frozen products.
Makikita rin sa caravan ang ilang garments, accessories at marami pang iba.
Ayon sa ilang kinatawan ng pamahalaan, malaking tulong ang programa sa magiging kita ng mga local producer lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Labis naman ang pasasalamat ng mga kalahok at benepisyaryo ng programa dahil sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanila mula sa masalimuot na karanasan sa paghahanap ng mapagkakakitaan dahil sa pagtama ng COVID-19 sa bansa.
Nakatakdang ilunsad ang grand launching ng Kadiwa Caravan ngayong darating na November 16, sa apat na malalaking lugar ng Pasig, Pasay, Caloocan at Quezon City sa Metro Manila.
Agad itong susundan ng Kadiwa Caravan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.