MAGPAPATULOY ang operasyon ng ‘Kadiwa ng Pasko’ kahit matapos ang holiday season bilang tugon sa global inflation.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng kanyang pahayag na target ng administrasyon na gawing national program ang ‘Kadiwa’ na ipakakalat sa buong Pilipinas sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Kadiwa ng Pasko sa Quezon City, sinabi nito na ang Kadiwa Project ang best Christmas gift na maaring ibigay ng gobyerno sa publiko.
Samantala, sinabi rin ng Punong Ehekutibo na sapat ang supply ng mga produkto na ibinebenta sa mga Kadiwa stall hanggang sa Pebrero o Marso 2023.
Sa pamamagitan ng Kadiwa Project, mas mura ang mga presyo ng bilihin na makakapagbenepisyo sa mga consumer at makakapagbigay ng market sa mga local agricultural producers maging sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).