Kadiwa ni PBBM, inilunsad sa Parañaque ngayong araw

Kadiwa ni PBBM, inilunsad sa Parañaque ngayong araw

PORMAL nang inilunsad sa Parañaque City ngayong Martes ang Kadiwa ng Pangulo sa Area 5 Brgy. San Antonio.

Ayon kay Mayor Eric Olivarez, layunin ng proyekto na matugunan ang mabilis na pagtaas ng mga bilihin sa bansa at makapagbigay ng masaganang kabuhayan sa mga magsasakang Pilipino sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga ani.

Dagdag ng alkalde, tinatayang mahigit 100 mga residente ng Area 5 ang tumangkilik at bumili ng mga gulay at prutas mula sa Duran Farms at Cada Farms na lumahok sa proyekto.

Katuwang ng Kadiwa ng Pangulo ang mga national government tulad ng Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, National Food Authority, Department of Trade and Industry, at Department of the Interior and Local Government at ang pamahalaang lokal ng Parañaque sa pamumuno ni Olivarez at consumers welfare office sa ilalim ni Ms. Millan Alcaraz.

Kasalukuyang nasa 538 Kadiwa outlets ang naitatag sa iba’t ibang lalawigan sa bansa at mayroon nang 1,162,067 pamilya ang natulungan.

Ang Kadiwa Mobile Palengke ay may kaniya-kaniyang skedyul bawat araw sa bawat area sa lungsod ng Parañaque.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter