Kaduda-dudang link sa Facebook, huwag nang i-click —Tech

KUMAKALAT na kaduda-dudang link o malicious tagging sa Facebook, huwag nang i-click ayon sa isang tech dahil ito ay isang modus para magsagawa ng scam.

Huwag na huwag i-click ang isang kaduda-dudang link na nai-tag sa inyong Facebook o FB account.

Ito’y ayon kay Art Samaniego Jr, isang tech news at business tech editor kaugnay sa lumalaganap na malicious tagging.

Sa kasalukuyan, may FB users na biglang na-tag o nang-tag ng malicious content sa FB friends nila pero ayon kay Samaniego, isang hakbang lang ito ng mga kriminal na gustong magsagawa ng scam.

“Ito nga pornograpics materials, video yung kunyaring nakalagay. Pero pag-clinik mo to, dadalhin ka nito sa isang fake na website at sasabihin na kailangan mong mag-download ng isang app o isang program para mapanood mo iyong video. Pag-dinownload mo itong update na ito, gagapang ito sa loob ng device mo para maghanap ng log-in way, password, bank accounts, at mananakaw niya iyun,” pahayag ni Samaniego.

Para din aniya maiwasang ma-infect ang computer at phone ng isang indibidwal dito, dapat palaging updated ang software na gamit.

 “Dapat yung computer mo updated sa regular sa mga latest software, ibig sabihin niyan huwag na huwag kang gagamit ng pirated na software, pangalawa, dapat scan mo lagi. Ang mga anti-virus, anti-malware software natin ngayon mayroon yang schedule na scan at ito made-detect. Pero kung gumagamit ka ng pirated na software o pirated na anti-virus hindi mo ito made-detect kasi nagtatago ito,” dagdag ni Samaniego.

(BASAHIN: Phone number ni Facebook CEO Mark Zuckerberg, isa sa 533-M na nag-leak)

 SMNI NEWS