Kagitingan ng mga Pilipino noong WWII, dapat malaman at pahalagahan –Rep. Romulo

Kagitingan ng mga Pilipino noong WWII, dapat malaman at pahalagahan –Rep. Romulo

DAPAT malaman ng publiko lalong-lalo na ang mga kabataan ang naging ambag ng mga magigiting na sundalong Pilipino sa World War II.

Ayon kay House Committee on Basic Education and Culture Chairman Rep. Roman Romulo sa panayam ng SMNI News, ito ang dahilan kung bakit ninanais nilang maisali sa curriculum ng higher education institution ang pag-aaral sa World War II history.

Sinabi ni Rep. Romulo na pahapyaw na rin naman itong natatalakay sa mga paaralan subalit mas mainam na magkaroon ng komprehensibong pag-aaral dito.

Aniya, maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay nila noong World War II, bagay na dapat pahalagahan.

 

Follow SMNI News on Twitter