Kaguluhan sa soccer match sa Indonesia, nagdulot sa pagkasawi ng 174 katao

Kaguluhan sa soccer match sa Indonesia, nagdulot sa pagkasawi ng 174 katao

HIGIT 174 katao ang nasawi dahil sa kaguluhan sa pagitan ng mga awtoridad at fans ng isang football club sa soccer match sa Indonesia.

Nagsimula ang kaguluhan nang matalo ang Arema FC ng Malang City sa Persebaya NH Surabaya sa iskor na 3-2.

Dahil sa pagkatalo na ito, libu-libong supporter ng Arema na kilala sa tawag na Aremania ang nagtapon ng mga botelya at iba pang mga bagay sa mga manlalaro at soccer officials.

Ayon sa mga nakasaksi, sinugod ng fans ang Kanjuruhan Stadium at pinilit ang Arema management na magpaliwanag kung bakit matapos ang 23 taong undefeated home match laban sa Persebaya ay natalo ito ngayon.

Ang kaguluhang ito ay umabot hanggang sa labas ng stadium kung saan 5 police vehicles ang sinunog ng mga tao.

Ito ang dahilan kung bakit nagpakawala ng tear gas ang pulisya na nagdulot ng karagdagang kaguluhan sa lugar.

34 na katao agad ang nasawi sa stadium at 300 ang isinugod sa ospital kung saan doon na naitala ang iba pang namatay sa kaguluhan.

Kaugnay nito ay nag-utos si Pres. Joko Widodo na imbestigahan ang security procedures na ipinatupad sa laro.

Naglabas naman ng pahayag si President Gianni Infantino ng FIFA na nagsasabing nasa state of shock ang buong football world.

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter