INILAHAD ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga Pilipino ang kanyang kahandaan sa pamumuno ng bansa.
Ito ang unang inihayag ni PBBM sa kanyang talumpati sa kanyang inagurasyon ngayong araw bilang ika-17 Presidente ng Pilipinas.
Ayon kay Marcos, naiintindihan niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatang ngayon sa kanyang balikat at handa na aniya siya para dito sa tulong na rin ng mga Pilipino.
“The changes we seek will benefit all and will short-change no one. I was not the instrument of change. You were that. You made it happen. I am now. You picked me to be your servant to enable changes to benefit all. I fully understand the gravity of the responsibility that you’ve put on my shoulders. I do not take it lightly but I am ready for the task. I will need your help. I want to rely on it but rest assured, I do not predicate success on the wide cooperation that’s needed. I will get it done,” bahagi ng mensahe ni PBBM sa kanyang inaugural speech ngayong araw, Hunyo 30.