Kahirapan, nararamdaman ng 47% na mga Pilipino—SWS

Kahirapan, nararamdaman ng 47% na mga Pilipino—SWS

RAMDAM ng 47% na mga Pilipino ang kahirapan ayon sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa resulta ng kanilang survey noong Disyembre 8-11, 2023, katumbas ang 47% sa 13 milyong pamilyang Pilipino na ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap.

Pinakamarami sa mga Pilipinong ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap ay sa Mindanao na may 61%.

Sinundan ito ng Visayas na may 58%; Balance Luzon na may 39%; at Metro Manila na may 37%.

Noong Setyembre 2023 na survey sa kaparehong paksa, nasa 48% ang mga Pilipinong ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble