Kai Sotto, may potential na makapaglaro gaya ni Nikola Jokic

Kai Sotto, may potential na makapaglaro gaya ni Nikola Jokic

MAY potential na makapaglaro si Kai Sotto gaya ni Denver Nuggets All-Star Nikola Jokic ayon sa NBA G League select team head coach na si Brian Shaw.

Ani Shaw, base sa mga video na napanood niya ni Sotto ay maaari itong maging facilitator kung saan pwede itong ilagay sa court at makapag-dribble hand-offs gaya ni Jokic.

Pinuri din ni Shaw si Sotto dahil mayroon itong mataas na basketball IQ, magandang skill set at napaka-versatile din aniya nito ngunit sinabi din ni Shaw na kailangan pang magpalakas nito.

Matatandaan na ang 7-foot-2 na si Sotto ay nag-enroll sa The Skill Factory sa Atlanta matapos na maglaro ng basketball para sa Ateneo sa UAAP upang mas ma-develop pa ang kanyang skills sa kanyang pagpasok sa NBA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.