Kai Sotto, napanalunan ang NBL poll para sa Fans’ MVP

Kai Sotto, napanalunan ang NBL poll para sa Fans’ MVP

ITINANGHAL si Kai Sotto bilang Fans’ Most Valuable Player (MVP) sa Australia National Basketball League (NBL) kasunod ng kahangahanga nitong debut season sa Adelaide 36ers.

Tinalo ng 7-foot-3 na si Kai Sotto ang mga counterparts nito sa isang online NBL poll.

Si Sotto ay sinundan nila Jerome Randle, Mitch Creek, Bryce Cotton, at Scott Machado bilang recipient ng award na nagsimula pa noong 2016.

Ginawa ni Sotto ang lahat sa kanyang limitadong court appearance na may 15.2 minutes lamang sa kanyang unang taon sa Adelaide na nakagawa ng 7.52 points sa 50-percent clio, 4.48 rebounds at 0.7 blocks sa 22 na laro.

Nakatakda pa lamang ianunsyo ni Sotto kung mananatili ito sa 36ers sa NBL o susubukan nito ang kanyang suwerte sa NBA sa pamamagitan ng paparating na Rookie Draft sa June 23.

Follow SMNI NEWS in Twitter