Kaila Estrada, na-scam; publiko, binalaan

Kaila Estrada, na-scam; publiko, binalaan

MATAPOS mabiktima ng scam, nagbabala ang aktres na si Kaila Estrada sa publiko na iwasan o mag-ingat sa pagsagot sa tawag ng mga hindi kilalang numero.

Sa kaniyang Twitter post, hindi ikinuwento ni Kaila kung ano ang nakuha mula sa kaniya.

Marami namang netizen ang nagpahayag na sila ay nabiktima rin ng mga tumatawag na scammer na kanilang modus operandi ngayon.

Ito’y sa kabila ng pagsasabatas ng SIM Registration Act na layong malabanan ang pamamayagpag ng cybercriminal activities at iba pang modus.

Matatandaan na bukod sa phone call scam, marami rin ang naloloko sa text at investment scams.

Si Kaila Estrada ang anak nina Janice de Belen at John Estrada at ngayon ay sumikat sa kaniyang role bilang Sylvia Lualhati sa serye na “Linlang”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble