Kakaibang kuwento ng brand new car winner sa Cleanfuel Raffle Promo, alamin

Kakaibang kuwento ng brand new car winner sa Cleanfuel Raffle Promo, alamin

ALAMAIN ang kakaibang kuwento ng brand new car winner sa Cleanfuel Raffle Promo.

May mga tao talaga sa buhay natin na gagamitin bilang daluyan ng suwerte.

Iyan ang naging storya ni Wilfredo Magsino, ang grand prize winner ng 2023 Paskong Panalo Raffle Promo ng Cleanfuel.

Ngayong linggo niya natanggap ang napanalunang brand new Toyota Raize mula sa araw-araw na nagpapagas sa Cleanfuel stations.

Pero alam niyo ba na maraming naging hadlang sa kaniyang panalo.

Lalo na’t hindi siya techy o maalam sa paggamit ng cellphone na kailangan para makapag-download ka ng Cleanfuel app para makasali sa raffle.

Pero, may tumulong sa kaniya para makuha ang panalo.

“’Yung nanalo, nagda-drive ng tricycle sa Alabang raw. Tapos noon kinausap niya ‘yung kapatid niya kung ano ang pupwedeng trabaho siguro at ayaw na niyang mag-drive ng tricycle tapos noon ay nagloan nga raw ‘yung kapatid niya ng dump truck at nag-haul sila ng aggregates raw ‘yung gravel and sand at siya ‘yung nag-manage. So nagpapa-gas sila sa Cleanfuel Lemery.”

“Eh hindi naman raw techy ‘yung kapatid niya eh. Kinikilabutan nga siya noong kinukwento ng kapatid niya eh na noong nagpa-gas sila noong dump truck noon—kasama siya dahil nasa kaniya nga raw ‘yung credit card, eh sinabihan siya ng pump attendant natin kung meron na siyang ginagamit na app ng Cleanfuel, sabi niya wala. Eh sinabihan siyang mag-download ng app. Eh hindi naman raw siya marunong. Kaya nag-volunteer ‘yung pump attendant natin na tutulungan siyang mag-download. Tapos sinabi noong nanalo si Mr. Wilfredo na wala siyang internet, walang data. Nag-offer naman ‘yung pump attendant natin na i-konekta siya sa internet noong station para maka-download ng app. So ‘yun nga, para sa kaniya talaga ‘yung grand prize natin,” kuwento ni Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, Cleanfuel President and CEO.

Taon-taon, iba-iba ang kuwento ng grand prize winners ng Cleanfuel.

Pero nanatili ang kanilang commitment na ibalik sa publiko ang pasasalamat sa patuloy na suporta sa kompanya.

“Thank you sa lahat ng Cleanfuel, sa pump attendant ng Cleanfuel na nag-assist sa akin na maggawa ng app. Thank you, thank you Cleanfuel,” ayon kay Wilfredo Magsino, Grand Prize Winner.

Bukod sa kotse, isa rin ang nanalo ng brand new Vespa Motorcycle.

Lima naman ang nanalo 1-year free fuel supply.

Lima rin ang nanalo ng P20,000 Puregold gift certificate at iba pang mga papremyo.

Nagsimula ang promo mula November 10, 2023 hanggang February 22, 2024.

“Taon-taon po nating ginagawa ito. At siyempre, patuloy naming pinag-iigihan, pinagaganda ‘yung mga istasyon, pinaghuhusayan ‘yung serbisyo, binibigay sa tao at siyempre, pilit naming pinabababa ang presyo ng Cleanfuel.”

“So patuloy niyo lang tangkilikin ang Cleanfuel, and you’ll never know na sa susunod… kayo naman ang manalo ng ating pa-premyo,” dagdag ni Atty. Suntay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble