Kakaibang vendo carwash machine na naimbento ng taga-Davao City, patok na negosyo

Kakaibang vendo carwash machine na naimbento ng taga-Davao City, patok na negosyo

PATOK ngayon ang kakaibang vendo carwash machine na naimbento ng isang taga-Davao City. Bukod sa abot-kayang presyo, kumpleto na ito sa mga kailangang gamit para sa paglilinis ng motorsiklo at sasakyan.

Kilala ang mga Pilipino na matatalino at malikhain sa lahat ng bagay.

Dahil hindi tumitigil ang mga Pinoy sa pag-iisip ng iba pang paraan o mas magandang gawin para mabuhay.

‘Yan ang pinatunayan ng isang taga-Davao City na si Rogen Ambasan miyembro ng Davao Inventor Association (DIA).

Si Rogen ang naka-imbento o nakalikha ng kakaibang vendo carwash machine na kompleto na sa kinakailangan para sa paglilinis ng motorsiklo, sasakyan, at iba pa.

Bagamat aminado si Rogen na marami na ang nag-nenegosyo ng vendo carwash machine subalit sinabi nito na kakaiba ang kaniyang naimbento.

“Hindi kagaya sa tradisyunal na carwash na kinakailangan ng mga empleyado para magbantay at maglinis ng sasakyan o motorsiklo, dito sa kanyang na-imbento hindi na kailangan ng tao dahil mismong may-ari na ang maglilinis ng kanilang sasakyan,” ayon kay Rogen Ambasan, Inventor, RAA Vendo Carwash Machine.

Ilan naman sa dapat titingnan para sa mga nais mag-franchise ng ganitong uri ng negosyo ang lokasyon at potensiyal na lugar na maraming dumadaan na mga sasakyan.

Sa ngayon patuloy na tinatangkilik hindi lang lamang ng mga taga-Davao City ang vendo carwash machine kundi maging sa ibang pang bahagi ng Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble